February 2017: Tiger

February 14, 2017 11:21 AM

chinese zodiac - tiger-01

Career: Good naman ang career mo this month, basta iwasan ang masyadong pagiging moody dahil mawawala ang focus mo sa trabaho. Mind your own business at ‘wag tamarin na pumasok sa trabaho. Mataas ang expectations sa iyo ng boss mo, don’t let him down. Sa mga naghahanap ng trabaho, mas maganda kung maga-apply kayo sa managerial or higher positions, dahil mas magiging passionate at magiging masipag kayo kapag malaking responsibilities ang ibinibigay.

Money: Ikaw ay very generous at maganda naman ito, pero dapat alam mo rin ang iyong limitations. Good karma is always at the side of generous people. Pero dapat, isaalang-alang ang sitwasyon mo. Minsan may mga pagkakataong kulang ka, kaya dapat huwag masyadong give all ang drama.

Love and Relationship: Magiging maganda ang relationship mo this month, maaari kayong mag-travel ng iyong partner sa malayong lugar. Kayong mga Tiger ay seloso at selosa, at hirap kayong magtiwala pero ginagawa naman ng iyong partner ang lahat para ma-gain ang trust mo.

Comments

MOST READ POSTS